Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pinakamahal na pataba o abono matatagpuan sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/May 23, 2012) ---Maituturing na isa sa pinakamahal na pataba o organic fertilizer ang Guano, mula sa waste materials ng mga paniki na ngayon ay makikita sa Pisan Cave dito sa bayan ng Kabacan.

Ito ayon kay Kabacan Tourism Officer Designate Sarah Jane Guererro, kung saan may mga ginagawa ng guano extraction ang ilang mga lokal na residente sa lugar.

Pero nilinaw naman ng opisyal na wala namang mga small o large scale extraction sa nasabing kweba.
Ang guano, ayon sa report ay ibenebenta ng mahal sa mga agri-store dahil sa limitado lamang ang mapagkukunan nito.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na may inilatag na silang hakbang kung papaanu maprotektahan ang mga paniki sa loob ng Pisan Cave kasama na dito ang pagpanday in aide of legislation ng mga batas para maregulate ang pagpasok ng mga indibidwal sa loob ng kweba at kung di man tuluyang mahinto ay maibsan ang ginagawang guano extraction sa loob ng nasabing kweba.
  
Ang pisan Cave ay maituturing na isa sa pinakamagandang tourist destination sa probinsiya ng North Cotabato.

Una dito, naglaan ang provincial government sa pamumuno ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ng P1M para sa Kulaman Eco-Tourism Center ng Pisan Cave.
Tatlong mga magagandang kweba ang makikita sa Pisan Caves ito ay ang Lupi Cave, Cathedral at Avenue Cave. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento