(Kidapawan City/May 22,
2012) ---Pinadi-dismis ng Napocor at ng iba pang power agencies – sa
pamamagitan ng kanilang mga abogado -- ang kasong sibil na isinampa laban sa
kanila ni Kidapawan City Vice-Mayor Joseph Evangelista sa preliminary conference
na ginanap nitong Biyernes sa sala ni Judge Rogelio Naresma ng Regional Trial
Court o RTC branch 17.
Kinuwestyun din ng
Napocor ang jurisdiction o kapangyarihan ng korte para resolbahin ang mandamus
na isinampa ni Evangelista.
Pero hindi dito sumentro
ang pagtatanong ng korte.
Mas iginiit ni Judge
Naresma na pagtalunan kung tunay nga ba’ng may elektrisidad na sinu-suplay ang
mga planta ng Energy Development Corporation o EDC sa Cotelco -- ang service
provider ng Kidapawan City at ng North Cotabato.
Sa pamamagitan nito,
ayon sa korte, mababatid kung naibigay nga ba sa Cotelco ang 25 porsiento na
priority load dispatch tulad ng itinatakda ng Department of Energy Act of 2002
at ng ER 1-194.
Hiling kasi ni
Evangelista, ayon sa mga abogado niya’ng sina Atty. Gary Vergara at Atty.
Cromwell Rabaya, na ibigay sa Kidapawan City – bilang host ng dalawang planta
ng geothermal, na suplayan ito ng 25 porsiento ng kuryente nito.
Dahil sa “urgency” ng isyu, itinakda sa May 31 ang ikalawang pagdinig.
Sa araw na ito,
nakatakdang ilatag ng bawat panig ang kanilang mga memorandum sa mga motion na
kanilang inihain sa korte.
Noong April 28, nagsampa si Evangelista – bilang taxpayer at power consumer, ng
kasong, “Mandamus with Prayer for the Issuance of a Writ of Preliminary
Injunction and Damages,” kontra kina DoE Secretary Jose Almendras at sa iba
pang mga power firm executives.
Noong nakaraang buwan, ayon sa abogadong si Vergara, umabot lang sa 20
megawatts ang sinuplay na kuryente sa Cotelco.
Mas bumaba pa ito sa 15.4 megawatts nang sumailalim sa preventive
maintenance ang Pulangi-4 hydro-electric power plant sa Bukidnon province.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento