(Arakan, North
Cotabato/ July 25, 2013) ---Isinagawa kahapon sa bayan ng Arakan ang
Clarificatory hearing hinggil sa nangyaring pagpaslang kay Father Fausto
Tentorio PIME.
Sa panayam ng DXVL
News kay Justice for Fr. Pops Movement Leader Father Peter Geremia, tinawag ng
bagong Regional Prosecutor na si Atty. Al Calica ang mga akusado, testigo at
mga abogado kapwa mula sa dalawang kampo para dumalo sa nasabing ocular
inspection at clarificatory hearing.
Aminado ang pari na
matagal ang proseso kungsaan umabot na ng dalawang taon ang kaso ni Father
Pops, pero hanggang ngayon ay di pa rin siya nabigyan ng Hustisya.
Samantala,
dismayado si Father Peter Geremia, leader ng Justice for Fr. Pops Movement sa
mabagal na paggulong ng kaso sa pinaslang na Italyanong Pari na si Father Pops
Tentorio PIME sa Bayan ng Arakan, mga dalawang taon na ang nakakaraan.
Aniya, hindi umano
natapos kahapon ang ginawang clarificatory hearing at muling babalik sa
nasabing upuan sa susunod na linggo ang nasabing grupo.
Pero sa kabila nito,
umaasa naman si Geremia na malaki ang magiging kaunlaran sa kaso kasaling
babalik sa clarificatory hearing ang mga ito sa araw ng Miyerkules sa susunod
na linggo.
Kaugnay nito, gumawa
naman ng manifesto ang kanilang pamunaun sa mga private prosecutor na
humihiling na pabilisan ang hindi pa natapos na imbestigasyon. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento