(Carmen, North Cotabato/ July 25, 2013) ---Niyanig
ng magnitude 4.8 na lindol ang bayan ng Carmen, North Cotabato alas 6:51
ngayong gabi lamang.
Sa report ng Philippine Institute of
Volcanology and Seismology o Phivolcs nakasentro ang pag-uga sa 18 kilomentro
ng Hilaga ng Carmen, may lalim na 1 kilomentro ang nasabing pagyanig.
Wala namang may naiulat na napinsala o
nasaktan sa nasabing paglindol.
Naramdaman naman ang intensity 4 sa bayan ng
Carmen, North Cotabato, intensity 3 sa Dancagan, Bukidnon habang intensity 2
naman ang naramdaman sa Kidapawan city, Cagayan de Oro city, Cotabato City at
Davao City.
Bukud dito, naramdaman din ang pagyanig sa
bayan ng Kabacan at Matalam.
Tectonic o paggalaw ng lupa ang pinagmulan
ng nasabing pagyanig. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento