(Kidapawan City/ July 26, 2013) ---Napaaga
ang salubong kay kamatayan ng isang 88-taong gulang na Lolo makaraang matagpuan
sa loob ng kanyang bahay sa Roxas Street, Kidapawan City, dakong alas kwatro ng
madaling araw kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Ildefonso Bayona,
88 taong gulang at residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa report, nagtaka na ang kanyang mga
kasama sa boarding house dahil hindi na ito lumalabas ng kwarto.
Iniimbestigahan na ngayon ng Kidapawan City
PNP ang posibilidad ng foul play o di kaya'y inatake ng sakit ang biktima.
Sa
Datu Piang, Maguindanao ---Pinabulaanan ng militar ang ulat na may naganap na
engkwentro sa pagitan ng kanilang tropa at BIFF sa Magaslong, Datu Piang,
Maguindanao.
Sinabi ni 6th ID spokesperson Col. Dickson
Hermoso, walang katotohanan ang mga kumakalat na text messages na nagkaroon ng
panibagong sagupaan ang militar at BIFF.
Una rito, nakarinig ng malakas na putok mula
sa di pa matukoy na uri ng baril ang ilang residente ng Barangay Magaslong,
agad nagsagawa ng checkpoint ang militar ngunit bumalik din sa normal ang
sitwasyon sa lugar.
Nabatid na pasado alas dyes ng umaga kanina
nang kumalat ang text message na nagka-engkwentro sa lugar ang tropa ng militar
at BIFF.
Balita
mula sa PRO 12---
Kinumpirma ni PNP 12 Spokesperson, Senior Inspector Benjamiin Mauricio Jr na
magpapatuloy pa rin ang random drug testing ng mga pulis sa rehiyon.
Ito ang ipinahayag ni Mauricio bunsod na rin
ng pagkakarelive sa pwesto sa apat na mga chief of police sa rehiyon, matapos
magpositibo sa drug test ang ilang nilang mga tauhan.
Binigyan diin nito na ang hakbang na ito ng
PNP 12 ay magsilbing babala sa mga pulis na gumagamit ng illegal na droga.
Inihayag din ni Mauricio na layon ng
pamunuan ng PNP 12 sa pagsasagawa ng random drug testing ay upang linisin ang
hanay ng pulisiya sa rehiyon.
Sa
Pikit, North Cotabato
--- Patay ang dalawang bigtime na tulak droga matapos na manlaban sa mga pulis
sa isinagawang buybust operation ng mga pulisya alas 7:35 ng umaga kahapon.
Kinilala ni 7th Infantry
Batallion Commanding Officer Lt. Col. Donald Gumiran ang mga biktima na sina Teo Alba at Raymund Timan a.k.a. Mino Timan
kapwa resident eng Barangay Batulawan, Pikit.
Kasama sa nasabing operasyon ang tropa ng mga operatives mula sa Philippine
Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)
at Pikit Municipal Police Station na nagresulta sa pagkaka-aresto nina Alba at
Timan sa pamamagitan ng buy-bust raid.
Pero, nanlaban ang mga suspek at pinagbabaril ang mga apprehending
officer na bagay namang gumanti ang mga otoridad.
Dinala pa ang mga suspek sa Cruzado Medical Hospital, pero ideneklarang
dead on Arrival ng mga attending physician.
Narekober sa crime scene ang 15grams ng suspected methamphetamine
hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu, drug paraphernalia at
marked money.
Bukod sa nabanggit narekober din ang 2 assault rifles, 2 pistola, revolver,
tatlong granada at ilang mga bala.
Nabatid mula kay Alba na ang dalawa ay kinukonsidera ng PDEA-ARMM
na mga notorious drug couriers na kasapi ng mga big time syndicate sa North
Cotabato at mga kapalit na probinsiya.
Ang dalawa ay sangkot din sa mga illegal activities kagaya ng highway
robberies, motorcycle theft at murders.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento