(Carmen, North Cotabato/ July 26, 2013) ---Tatlong
malalakas na pagyanig ang umuga sa bayan ng Carmen, North Cotabato kagabi.
Sa report ng Philippine Institute of
Volcanology and Seismology o Phivolcs unang niyanig ang bayan ng malakas na 4.8
magnitude na lindol alas 6:51 kagabi, kungsaan nakasentro ang pagyanig sa 18
kilomentro ng Hilaga ng Carmen na may lalim na 1 kilomentro at tectonic o
paggalaw ng lupa ang pinagmulan.
Naramdaman naman ang intensity 4 sa bayan ng
Carmen, North Cotabato, intensity 3 sa Dancagan, Bukidnon habang intensity 2
naman ang naramdaman sa Kidapawan city, Cagayan de Oro city, Cotabato City at
Davao City.
Bukud dito, naramdaman din ang pagyanig sa
bayan ng Kabacan at Matalam.
Pagsapit ng alas 7:05 kagabi muling niyanig
ng 4.4 magnitude na lindol ang naturang bayan.
Agad naman itong nasundan ng isa pang
pag-uga ng lupa alas 8:05 kagabi na may 3.8 magnitude na lindol.
Wala namang may naiulat na napinsala o
nasaktan sa panibagong pagyanig.
Matatandaan na una na ring niyanig ang
naturang lugar ng malakas na 5.7 magnitude na lindol alas 10:10 ng gabi noong
Hunyo a-1 na nag-iwan ng abot sa higit P50M ang pinsala. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento