Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga Progresibo at Militanteng grupo sa Kabacan, magsasagawa ng kilos protesta hinggil sa gagawing SONA ni Pnoy

(Kabacan, North Cotabato/ July 22, 2013) ---Ilang oras bago ang gaganaping State of the Nation Address at ang pagbubukas ng regular na session ng 16th congress ngayong araw, sasalubungin naman ng kilos protesta ng mga progresibo at militanteng grupo dito sa bayan ng Kabacan ang nasabing aktibidad.

Sa panayam ng DXVL News sa tagapagsalita ng LFS-North Cotabato na si Jamelon Ariraya, nakatakdang magsagawa ng militansiyang pagkilos ang kanilang grupo ala 1:00 ng hapon sa loob ng University of Southern Mindanao, USM Main campus.

Sinabi ni Ariraya na ang kanilang pagkilos ay tugon sa gagawing SONA ng Pangulong Aquino at bahagi ng kanilang moral at socio-political obligation na ipahayag sa mga kabataan ang social awareness.

Bukod sa nasabing grupo, mahigit 200 mga kinatawan naman mula sa international Groups buhat sa mga bansang China, Japan, Korea, United States, Switzerland at iba pang bansa ang lalahok sa kilos-protesta sa ika-apat na SONA ng Pangulo. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento