Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ikalawang araw na Registration para sa SK at Barangay election sa Comelec Kabacan, dinagsa!

(Kabacan, North Cotabato/ July 23, 2013) ---Dinagsa ang ikalawang araw na registration para sa SK at Barangay election ng mga nagpaparehistro sa Commission on elections o Comelec Kabacan.

Ayon kay Acting election Officer Gideon Falcis nakasechedule kasi ngayong araw ang brgy Kayaga at Magatos kungsaan karamihan sa mga nagpaparehistro ay mga bagong botanteng mga kabataan.

Matatandaan na sampung araw lamang ang haba ng registration na nagsimula kahapon at magtatapos sa Hulyo a-31.

Maliban sa registration ay umarangkada na rin ang mga magpapa-reactivate, magta-transfer o magtatama ng mga detalye at impormasyon ng pagkakakilanlan bilang botante.

Maaga pa kanina hanggang ngayong hapon ay gitgitan pa rin at dagsaan ang mga bagong botante sa tangagapan ng comelec.

Batay sa Schedule ng Comelec Kabacan, nakatakda ang registration ng brgy. Osias at Lower Paatan bukas, habang sa Huwebes naman ang brgy Malamote at Upper Paatan.

Sa July 26 naman ang Aringay at Bannawag, July 27 Malanduage, Pisan at Bangilan, July 28 Dagupan, Sanggadong at Salapungan, July 29 Simone, Pedtad at Simbuhay, July 30 Tamped, Buluan at Nangaan at sa July 31 ang brgy Katidtuan at Cuyapon. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento