(Kabacan, North
Cotabato/ July 25, 2013) ---Nagpapatuloy na sa mga oras na ito ang search and retrieval
operation ng Kabacan Rescue Team ng Disaster Risk Reduction Management Council sa
Kabacan river matapos na missing pa rin kahapon sa isinagawang paggalugad ng
MDRRM ang isa pang grade 5 pupil matapos na malunod sa Kabacan river, na
itinuturing na killer river.
Ayon kay MDRRMC
Officer David Don Saure, pansamantala nilang inihinto ang search and rescue
operation alas 6:30 kagabi dahil sa madilim na ang paligid.
Batay sa report,
pasado alas tres kahapon ng hapon ng nagsisigaw ang isa sa dalawang paslit na
nakilalang si Monica Martinez, 10, residente ng Mapanao St. mula sa pampang ng
Kabacan river na nasa loob ng USM compound.
Maswerte namang
nakita siya ng ilang estudyante ng USM at agad na tinungo ang kinaroroonan
nito.
Dito nalaman ang
sinapit ng dalawa kaya minabuti na lamang ng mga nakakitang estudyante na dalhin
si Monica sa USM Hospital.
Sa salaysay ni
Monica, nagkayayaan silang maligo ng kaklaseng si Joelina Umali, 11, residente
ng Purok Miracle ng baying ito.
Ayon sa kanya siya
umano ang muntik ng lamunin ng tubig at tinulungan lamang siya ni Joelina na
siya namang minalas na mahulog at hanggang kahapon ay di pa ito natagpuan.
Sa Panayam ng DXVL
News kay MDRRM Officer David Don Saure, posibleng wala ng buhay ang bata kung
makita na ito sapagkat malalim ang Kabacan river at medyo malakas ang agos ng
tubig ditto, pero hanggat di pa nakita ang bangkay nito, umaasa pa rin silang
ligtas pa ito.
Nananawagan ngayon sa publiko si MDRRMC Officer David Don
Saure, partikular na sa mga magulang na ang bahay ay malapit sa tabing ilog na
wag hayaan ang inyung mga anak na maglaro sa ilog.
Ginawa ng opisyal
ang pahayag sa DXVL News, matapos ang report na pagkakalunod ng isang grade 5
pupils sa Kabacan river.
Aniya, sa
kasalukuyan ay malalim ang Kabacan river bukod pa sa malakas ang agos nito.
Marami rin umanong
ugat ng kahoy na magiging pahirapan para sa pag-ahon sa mga ito.
Hinikaya’t din nito
ang publiko at ang mga residente na malapit sa tabing ilog na kung lumutang ang
bangkay ng biktima ay agad ireport sa kanilang sa 0947-425-7020.
Samantala,
bago nangyari ang insedente kahapon, sinabi ni Kabacan Pilot Central Elementary
School Principal Annie Roliga na pumasok pa kahapon ng umaga si Joelina Umali
pero agad na umuwi ng kanilang bahay pagkatapos ng klase nila, pero si Monica
Martinez naman ay noong July 17 pa huling pumasok ang nasabing estudyante.
Parati umanong
nagkakasakit si Martinez dahilan ng madalas nitong pagliban sa klase, ayon sa
principal.
Si Umali naman ay
walang ng Ina at ang tatay nito ay sa Gensan nagtatrabaho at ang lola niya lamang
ang kasama niya sa kanilang bahay.
Dahil sa
nakakalungkot na pangyayari, nagpaalala ang punong guro sa mga estudyante na
kung uwian na agad na diritso ng bahay at sa mga magulang naman ay dapat ding
gabayan ang inyung mga anak. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento