(Kidapawan City/ July 22, 2013) ---Ilulunsad
ng National Union of Journalist of the Philippines o NUJP North Cotabato
chapter ang North Cotabato Got Talent, ang talent showdown for a cause.
Sinabi ni NUJP North Cotabato Pres. Malu
Cadaliña Manar na gagawin ang nasabing aktibidad sa Setyembre a-28 ng taong
kasalukuyan layon ay para mabigyan ng scholarship sa pag-aaral ang mga anak ng
mga pinatay na mamamahayag.
Maliban dito, ang proceeds ay mapupunta sa
sinking fund ng NUJP-Cotabato, ito dahil sa karamihan sa mga journalist sa
probinsiya ay walang sahod at kung meyron man may ay kakarampot lamang.
Bukas ang nasabing talent showdown sa lahat
ng mga pribado at pampublikong paaralan sa probinsiya habang niluluto pa ang
ilang mga mechanics hinggil dito.
Ang nasabing aktibidad ay pinag-usapan sa
pagpupulong ng mga kasapi ng NUJP na isinagawa nitong Sabado sa Kidapawan City.
Dumalo sa nasabing pagpupulong sina: Malu
Manar, NUJP Pres; Merlyn Aznar ng Mindanao Express, Ronald Padojinog ng Good
News Network Tulunan, April Rose Tantiado at Roviline Rapisura ng English
Department, CAS, USM; Leo Varron ng KissFM Midsayap, John Andrew Tabugoc ng
DXND Radyo Bida, Jun Jacolbe ng Radyo Natin Kidapawan, Dondon Balacanan ng
Freedom FM Makilala, Psalmer Bernarte ang city Information Officer ng Kidapawan
at ang inyung lingkod, Rhoderick Beñez ng DXVL Radyo ng Bayan. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento