Written
by: Jimmy Sta. Cruz
(Pikit, North Cotabato/ May 26, 2014) ---Matapos
malaman ang sinapit ng Overseas Filipino Worker o OFW na si Fahima Palacasi
Alagasi sa Riyadh, Saudi Arabia na
sinabuyan ng kumukulong tubig ng kanyang amo, agad na ipinag-utos ni Cot. Gov.
Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa
Provincial Social Welfare Office o PSWDO na hanapin ang pamilya nito.
Ito ay para alamin kung anong tulong ang
maaaring ibigay agad sa pamilya ni Alagasi na hanggang ngayon ay nagpapagaling
mula sa pagkakapaso ng kanyang buong likod at mga kamay.
Si Fahima. 23, may-asawa at may 2 anak,
dalawang buwan pa lamang sa Riyadh bilang domestic helper ay nagdesisyong
magtrabaho sa abroad upang makatulong sa kanyang pamilya.
Pero sa halip na mapabuti ay napasama pa ito
matapos ang pangyayari.
Ayon sa report, matapos isugod sa isang
ospital sa Riyadh si Fahima, ay nakausap nito ang isang Pinay nurse na siyang
tumulong sa kanya upang maipaalam sa kanyang pamilya ang nangyari sa kanya.
Sa panayam ng Aksiyon Serbisyong Totoo radio
program kay Susan Ople ng Ople Center, isang Non-Government Organization na
tumutulong sa mga inabusong OFW, si Fahima ay nasa isang safe house ngayon ng
Inter-Agency Council Against Traficking o IACAT.
Nakokipag-ugnayan na ngayon ang grupo ni
Ople at ang IACAT sa pamilya ni Fahima sa Pikit at tinutulungan rin na
maikonekta ang pamilya sa mga concerned government agencies tulad ng OWWA at
DFA.
Sinabi rin ni Ople na ginawa ng gobyerno at
mga NGO na nakatutok sa pangyayari ang magagawa nito para mapanagot ang
abusadong amo at maging ang recruiter ni Fahima sakaling may pagkukulang o
pagpapabaya ito.
Nakausap naman ni PSWDO Social Worker 4
Jocelyn Maceda si Din Bugtong, pinsan ni Fahima ng puntahan ng team mula sa
PGCot ang nahay nito sa Sitio Alagasi, Barangay Nalapaan, Pikit noong May 22,
2014.
Ayon kay Bugtong, pupunta ng Manila ang
tatay ni Fahima na si Musa Alagasi at kapatid na babae at sagot ng Ople Center
ang kanilang pamasahe.
Umaasa naman ang provincial government na
magtutluy-tuloy na ang pagpapauwi kay Fahima sa lalong madaling panahon.
Ayon naman kay Pikit Municipal Mayor
Muhayrin Sultan, bibigyan nila ng trabaho si Fahima sa munisipyo at bibigyan ng
honorarium upang kahit papano ay may pagkakakitaan ito sa oras na makauwi.
Magbibigay naman ng halagang P10,000 ang
DSWD12 Social Welfare Action Development Center sa pamilya ni Fahima bilang
tulong at isasailalim si Fahima sa
reintegration process.
Ito naman ay ayon kay Rose Alcebar ng DSWD
12 na siya namang team leader ng grupong nagtungo sa Brgy. Nalapaan.
MAgbibigay naman ngdagdag na suporta ang
provincial government of Cotabato kay Fahima sa pamamagitan ng psycho-social
support ng PSWDO.
Sa kasalukuyan ay tinututukan na ng OWWA at
DFA ang pagpapauwi kay Fahima.
Nais naman ng pamilya ng biktima na mabigyan
ng hustisya ang sinapit nito mula sa abusadong amo. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media
Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento