(Antipas, North Cotabato/ May 27, 2014) ---Nilamon
ng apoy ang dalawang mga pamamahay sa nangyaring sunog sa bahagi ng Old Market,
Poblacion, Antipas, Cotabato alas 8:40 kagabi.
Sa ulat na ipinarating sa DXVL News ngayong
umaga ni PSI Felix Fornan ang hepe ng Antipas PNP kabilang sa mga bahay na
natupo ng apoy ay pag-mamay-ari nina Bulit Delgado at Madeline Pamplona.
Wala namang may naiulat na nasaktan o nasawi
sa nasabing sunog kungsaan patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon kung anu ang
pinagmulan ng naturang sunog.
Agad namang rumesponde ang mga kagawad ng
pamatay apoy sa naturang insedente.
Inaalam pa ngayon ang pinagmulan at danyos
ng naturang sunog. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento