Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Estudyante ng USM, panibagong biktima ng nakaw motorsiklo

(Kabacan, North Cotabato/ May 28, 2014) ---Tinangay ng di pa nakilalang salarin ang isang motorsiklo ng isang estudyante ng University of Southern Mindanao sa mismong harap ng bahay nila sa Rizal Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato pasado alas 11:00 kamakalawa ng gabi.

Sa panayam ng DXVL sa may ari na kinilalang si Allan James Licudo, 17-anyos, estudyante ng nasabing Pamantasan at residente ng nasabing lugar na nakaparada lamang sa harap ng bahay nila ng balikan nito ay nawala na.

Duda na ang biktima na ninakaw na ang nasabing sasakyan.

Hinanap pa nito pero bigo na siya’ng makita ang nasabing motorsiklo na kulay itim na Honda Wave na may license plate MY 6722.

Kaugnay nito, patuloy ang panawagan ng pulisya sa may ari ng mga motorsiklo na maging vigilante at tiyaking naka padlock ang sasakyan kapag-iniwanang nakaparada maliban pa sa maging doble ingat laban sa mga magnanakaw. Zhaira Sinolinding


0 comments:

Mag-post ng isang Komento