Written
by: Jimmy Sta. Cruz
AMAS, Kidapawan City (May 26) – Upang
mabigyan ng dagdag kaalaman ang health sector sa lalawigan ng Cotabato,
dumating dito at nagbigay ng orientation patungkol sa kahalagahan ng
immunization ang World Health Organization o WHO consultant na si Dr. Rupali
Sisir Banu. Ong.
Nakipagpulong si Dr. Banu sa abot sa 100 mga
nurses, Municipal Health Officers at Barangay Health Workers mula sa
iba’t-ibang munisipyo sa provincial capitol gymnasium noong May 20, 2014.
Ipinaliwanag ni Dr. Banu sa mga partisipante
ang kahalagahan ng imunisasyon at bakuna laban sa mga infectious diseases at
mga nakamamatay na mga sakit.
Sinabi ng naturang WHO consultant na sa
pamamagitan ng bakuna ay maraming mga tao sa buong mundo ang maliligtas mula sa
tiyak na kamatayan.
Sa pag-aaral ng WHO, sinabi ni Dr. Banu na
sa loob ng bawat taon ay 2 hanggang 3 milyon katao mula sa iba’t-ibang bansa
ang makakaiwas sa sakit kapag nabigyan
ng bakuna o vaccine.
Ikinatuwa naman nina Dr. Rubelita Aggalut,
Representative to the Local Board ng DOH 12 at IPHO Head Dr. Eva C. Rabaya ang
pagbisita ni Dr. Banu sa probinsiya dahil marami itong hatid na kaalaman para
sa mga health workers lalo na sa pagsugpo sa mga nakamamatay na sakit.
Matapos ang orientation at distribusyon ng
honoraria ay nagsagawa ng kanilang mga plano at rekomendasyon ang mga
partsipante at isinumite ito sa DOH 12.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento