(Kidapawan
city/August 18, 2012) ---Tutol ang Energy Development Corporation o EDC na
bigyan ng direkta at hiwalay na linya ang Cotelco mula sa itatayong geothermal
power plant sa Mount Apo.
Sinabi
ni EDC president at chief operations officer Richard Tantoco na kapag
‘embedded’ na ang koneksyon ng planta sa Cotelco, tiyak, hindi na magiging
‘financially viable’ ang proyekto.
Paliwanag
ni Tantoco na sa mga nauna’ng pag-uusap ng EDC sa Cotelco, abot lamang sa 20
megawatts ng kuryente ang bibilhin ng kooperatiba mula sa Mindanao-3 geothermal
power plant.
Kapag
may direkta at hiwalay na linya para sa Cotelco, ayon kay Tantoco, di na raw
nila puwede’ng ibenta sa TransCo grid ang natitira’ng 30 megawatts.
Kaya’t
tingin ni Tantoco, hindi magiging ‘financially viable’ ang proyekto kung
igigiit ng Kidapawan City LGU ang pagkakaroon ng hiwalay at direktang linya ng
kuryente para sa Cotelco mula sa planta.
Ito
ang buod ng sulat na ipinarating ni Tantoco kay Vice-Mayor Joseph Evangelista,
ang presiding officer ng Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan.
Kanina, tinalakay
sa isang closed-door meeting ng Sanggunian ang isyu.
NOON pang nakaraang Hulyo naaprubahan ng Sanggunian ang isang
resolusyon na nag-e-endorso sa Mindanao 3 geothermal power plant project.
Sa
Section 1 ng Resolution Number 12-251 nakasaad rito ang paghiling ng City LGU
ng direktang linya ng kuryente mula sa planta sa pamamagitan ng isang ‘embedded
connection.’ (MCM)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento