(Midsayap, North
Cotabato/August 18, 2012) ---Nagpapatuloy sa unang distrito ng North Cotabato ang
Community- Based Basic Business Management and Skills Enhancement Training sa
ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and
Development o DSWD.
Partikular na
sumabak sa dalawang araw na training ang Midsayap Umbrella Vendors Association
at Midsayap Sidewalk Vendors and Jambolers’ Association.
Layunin ng
pagsasanay na bigyan ng karagdagang technical knowledge ang bawat miyembro ng
mga natukoy na asosasyon kaugnay ng kanilang pagnenegosyo.
Ayon kay DSWD
Project Development Officer Ibrahim Sancupan, paraan din ito ng gobyerno upang
makapagbigay ng adisyunal na kapital para sa mga benipisyaryo ng programa.
Dagdag ng opisyal,
sinisikap ng national government na matulungan ang mga benepisyaryong umaasa sa
usurios lending groups na sobra- sobra ang pagpatong ng interes at nag- uudyok
sa mga vendors na mas malubog sa pagkakautang.
Kahit masasakripisyo
ang kita nila sa loob ng dalawang araw, dumalo pa rin ang mga vendors sa
nasabing pagsasanay dahil alam nilang malaking tulong ito sa kanilang
hanapbuhay.
Ang natukoy na
training ay kapwa rin itinataguyod ng tanggapan ni North Cotabato 1st
District Cong. Jesus Sacdalan sa ilalim ng Pangkabuhayan para sa Kapayapaan
program.
Matatandaang
namahagi na si Cong. Sacdalan at ang DSWD ng abot sa humigit kumulang P5 Milyon
financial assistance sa 33 SEA- K Associations sa buong first district of
Cotabato. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento