(Kabacan,
North Cotabato/August 16, 2012) ---Hinikaya’t ngayon ng pamunuan ng Kabacan
Rural Health Unit ang lahat na sektor, mapa-indibidual man o grupo na magbigay
ng dugo sa gagawing Bloodletting, isang voluntary blood donation bilang bahagi
ng aktibidad ng 65th founding Anniversary ng bayan ng Kabacan.
Ayon
kay Disease Surveillance Officer Honey Joy Cabellon, gagawin ang bloodletting
ngayong araw sa Municipal Plaza ng bayan kungsaan pangungunahan ito ng
Philippine National Red Cross- Cotabato Chapter.
Maliban
dito, magkakaroon din ng Medical at Dental consultation services na
pangungunahan ng RHU sa pamumuno ni Dr. Sofronio Edu, Jr.
Bukod
pa sa gagawing Immunization: Bakuna Kontra Pulmonya para sa mga senior
citizens, bakuna kontra Rotavirus para sa mga sanggol edad anim na linggo
hanggang 15 linggo.
Magsasagawa
din ang RHU-Kabacan ng micronutrient supplementation sa mga batang kulang ang
timbang at ang enlisting ng Philhealth National Household Targeting System-
Poverty Reduction para sa mga taga Brgy. Osias at Poblacion. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento