(Kidapawan City/August 13, 2012) ---Arestado
ng mga operatiba ng Kidapawan City PNP, sa pangunguna ng intelligence division,
ang suspected drug courier na si Juanday Sarip, 27, kilala sa alias na ‘Anep’,
sa isang buy-bust raid sa loob mismo ng Mega Market sa lungsod, alas-dos ng
hapon, kahapon.
Nakumpiska mula sa suspect ang
tatlong sachet ng shabu, marked money, at ilang drug paraphernalia.
Sa raid na ginawa ng PNP sa
palengke, napatunayan ng mga awtoridad na maging ang public market ng lungsod
sentro rin ng operasyon ng illegal na droga.
Nahuli si Anep sa Building-3 ng
palengke, isa sa pinakamalaking public market sa buong North Cotabato.
Ngayong araw isasampa ng PNP ang
kaso’ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act kontra kay Anep.
Samantala, huli sa buy-bust raid dakong alas 11:10 ng umaga nitong Biyernes
dito sa bayan ng Kabacan ang isang Datu Mama Lawi Sultan, pinaniniwalaang big-time
supplier ng shabu na taga-Mantawil St., Poblacion.
Arestado rin nina Kabacan PNP chief,
Supt. Raul Supiter at Task force Chrislam head P/Inps. Tirso Pascula ang
dalawang iba na edad disi-siete at disi-sais, na residente ng brgy. Kayaga at Matalam,
North Cotabato.
Na-recover ng mga awtoridad sa raid
ang isang malaking sachet na naglalaman ng shabu na tinaya ang market value sa
P35 thousand; marked money; cash; at mga drug paraphernalia.
Nagyong araw na isasampa ang kaso
kontra sa mga suspect, ayon sa report.
Si Sultan ang pangalawa na sa mga
itinuturing na big-time shabu supplier na nasakote sa bayan ng Kabacan.
Noong July 29, nahuli rin nina
Supiter ang big-time drug dealer na kinilalang si Fatima Badal at lima pa
nito’ng mga kasama.
Sumaksi sa operasyon ng Kabacan PNP si Brgy.
Poblacion Kagawad Dominador “Mike” Remulta at DOJ Rep. Franklin Micutuan.(Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento