(Kabacan,
North Cotabato/August 23, 2012) ---Hindi pa rin kinilala ng kanyang kamag-anak
ang bangkay na nahukay makaraang inilibing sa isang abandonadong lugar, 30
metro ang layo mula sa brgy. road ng brgy. Malanduage alas 12 ng tanghali
kahapon.
Ayon
kay SP01 Kenneth Garbin, investigator ng Kabacan PNP, ang nasabing biktima ay
nasa edad 32-35 taong gulang at may taas na nasa 5’2 hanggang 5’5.
Batay
sa pagsasalarawan ng opisyal nakasuot ng kulay itim na damit ang nasabing
biktima at short pants.
May
sugat sa kaliwang dibdib nito.
Nitong
Martes ng gabi, umalingawngaw ang putok ng baril sa mismong lugar kungsaan
nahukay ang biktima na posibleng doon din pinatay ng mga suspek ang nasabing
lalaki.
Sa
ngayon nasa Villa Jusa Funeral Parlor ang mga labi ng biktima, pero
magdadalawang araw na ngayon, di pa rin tukoy ang pagkakakilanlan ng nasabing
bangkay. (Rhoderick Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento