(Pikit, North Cotabato/August 22, 2012) ---Nagsilikas na ngayon
ang ilang mga pamilya mula sa dalawang mga bayan sa North Cotabato matapos na
mamataan umano nila ang presensiya ng Bangsamoro Islamic Freedom fighters sa
lugar simula kahapon ng gabi.
Sinabi sa DXVL ni 7th IB Commanding Officer Lt. Aries
dela Cuadra na abot umano sa limangdaang mga BIFF ang nasa lugar, batay sa
impormasyon na kanilang nakalap.
Dagadag pa nito, na nagsilikas ang ilangmga pamilya mula sa brgy
Takoduc sa bayan ng Aleosan, brgy. Langayen, Tulambog at Lagundi buhat naman sa
bayan ng Pikit bagamat wala pa silang eksaktong bilang ng mga pamilya na
nagsilikas.
Aniya ang problema nila sa ngayon ay walang evacuation center ang
mga bakwit kaya di nila mabilang kung ilang mga pamilya ang apektado.
Bagama’t wala namang kumpirmadong report na diumanoy may ilang
brgy na hinarass dito sa Kabacan ng
grupo ng BIFF, sinabi ng opisyal na may ilang grupong mga rebelde silang
namataan sa kanilang AOR.
Kaugnay nito sinabi ni Dela Cuadra na itinaas na nila ang kanilang
alerto kasama na rin ang pagbabantay sa mga lugar kungsaan namataan ang
presensiya ng mga BIFF. (Rhoderick Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento