Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Higit 200 kalamansi seedlings ipinamahagi; Mt. Siya-siya ipinagmamalaki ng mga Baoeṅos


(Alamada, North Cotabato/August 20, 2012) ---Ipinagmamalaki  ng mga residente ng barangay Bao, Alamada ang ganda ng kanilang Mt. Siya- siya na dinarayo ng mga lokal na turista.

Ayon kay Bao Punong Barangay Democrito Diola, ang Mt. Siya- siya ay isa sa mga prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Alamada sa tourism development initiatives nito. 

Nagmula sa salitang “silya” ang pangalan ng Mt. Siya-siya dahil sa hugis silya umano ito kung pagmamasdan.

Kaugnay nito, ipinamahagi sa mga Baoeṅos ang higit sa dalawang daang kalamansi seedlings mula sa opisina ni North Cotabato 1st district Cong. Jesus Sacdalan kasabay ng ika- 54 founding anniversary ng nasabing barangay. 

Ginawa ito ng opisina ni Cong. Sacdalan upang suportahan ang inisyatibo ng barangay sa pangangalaga ng kalikasan.

Sinabi ni Congressional District Office Special Operations Division Head Benny Queman na kalamansi deedlings ang ipinamahagi sa lugar dahil mabilis itong lumaki at madaling alagaan.

Ang isinagawang kalamansi seedlings distribution ay akma rin umano sa tema ng pagdiriwang na, “Baoeṅos, paghugpong para sa kalinaw, Lihok pag-amlig sa kinaiyahan.”(Roderick R. Bautista)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento