Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pulisya at militar nagdagdag na ng security measures sa mga lugar na namataan ang presensiya ng BIFF sa North Cotabato


(Pikit, North cotabato/August 24, 2012) ---Tiniyak ni Senior Inspector Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP, na bukas bente-kwatro oras ang Davao-Cotabato highway partikular sa pagitan ng Pagalungan at Pikit kung saan namataan ang ilang myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Binigyang diin naman ni Dandan na pinaghahanap na ng kapulisan at mga militar ang mga rebelde.
        
Di raw nila papayagang magdulot ng pangamba sa mga North Cotabateno ang kanilang presensiya.
        
Samantala, hinamon ng opisyal ang mga BIFF na makipaglaban ng harapan sa mga militar at kapulisan upang di na madamay ang mga sibilyan.


Una dito, tiniyak ngayon ng pamunuan naman ng militar na ligtas ang nasabing kahabaan kungsaan may mga balitang namataan ang presensiya ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF na pinamumunuan ni kumander Ameril Umbra Kato, ang sinasabing break away group ng MILF.

Kaugnay nito, sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan kaninang umaga ni Lt. col. Benjamen Hau ang commanding officer ng 7th IB, Philippine Army na dinagdagan na nila ang kanilang pwersa sa nasabing lugar sa tulong na rin ng pulisya upang tiyakin ang seguridad ng mga motoristang dadaan sa bahagi ng Pikit, Aleosan hanggang dito sa Kabacan.

Bagama’t naiulat ang pagsilikas ng ilangmga pamilya sa nabanggit na bayan, di naman nagging sentro ng tension ang lugar, ito bilang paghahanda lamang ngmga pamilya para di madamay o maipit sa nasabing kaguluhan sakaling, sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF at ng tropa ng militar. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento