Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa 30 katao huling gumagamit at nagtutulak ng illegal na droga sa Kabacan ---TFK

(Kabacan, North Cotabato/Auguist 23, 2012) ---Abot na sa 34 na mga indibidual na sangkot sa iba’t-ibang illegal na gawain kagaya ng pagtutulak at paggamit ng illegal na droga at ilan pang paglabag sa RA 9165 ang naaresto ng Kabacan PNP sa isinagawang operasyon nila mula buwan ng Mayo hangang sa unang linggo ngayong buwan ng Agosto.


Ito ang inilabas na report ng Oplan Task Force Krislam sa kampanya ng Kabacan PNP na pinamumunuan ni P/Supt. Raul Supiter kontra sa talamak na bentahan ng illegal na droga sa Kabacan.

Ayon kay Task Force Krislam head P/Insp. Tirso Pascual abot na sa 18 mga operasyon ang kanilang isinagawa na nagresulta sa pagkaka-aresto ng 34 na mga drug personalities simula ng ilunsad ang Task Force Krislam sa Kabacan.

Sa nasabing operasyon, nasabat ng mga otoridad ang may kabuuang  walong gramo ng mga heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may tinatayang halaga na abot sa P170,000.00 maliban pa sa P19,900.00 na perang narekober sa nasabing operasyon.

Una dito, aminado ngayon si Supiter na kumalat na sa ibang lugar ang drug courier matapos na mabuo ang Task Force Krislam.

Sa kabila nito, magpapatuloy pa rin ang operasyon ng Kabacan PNP para tuluyang malinis ang Kabacan sa sinasabing talamak na bentahan ng illegal na droga partikular na ang shabu. (Rhoderick Benez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento