Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Estudyante ng USM, sugatan sa isang pamamaril


(Kabacan, North Cotabato/August 21, 2012) ---Sugatan ang isang 17-anyos na estudyante ng University of Southern Mindanao makaraang barilin ng mga di pa nakilalang suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng baril alas 6:30 kagabi.

Kinilala ni P/Insp. Tirso Pascual ng Kabacan PNP ang biktima na si Mohamad Ali Lumambas, walang asawa at residente ng Sitio Kitabo, Aringay ng bayang ito.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, lumalabas na habang nagluluto ng hapunan ang biktima sa kusina ng kanilang bahay ng bigla na lamang itong pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa kanang bahagi ng kanyang braso dahilan kung bakit siya mabilis na isinugod sa USM Hospital.

Agad namang tumakas ang suspek, papalayo sa di malamang direksiyon.

Sa ngayon inaalam pa ng mga otoridad kung anu ang motibo ng panibagong pamamaril sa bayan habang nagpapatuloy ang ginagawa nilang imbestigasyon. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento