(Kabacan,
North Cotabato/August 22, 2012) ---Nakikiramay at nagluluksa ngayon ang ilang
mga lokal na opisyal sa lalawigan ng North Cotabato kaugnay sa pagkamatay ni
Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo nang
bumagsak ang sinakyan nitong Piper Seneca plane sa karagatan ng Masbate noong
Sabado.
Kahapon ng umaga nang maiahon ang mga labi ni Robredo, 180 talampakan mula sa ilalim ng karagatan.
Maraming beses na ring binisita ng kalihim ang probinsiya ng North Cotabato sa bahaging ito ng Central Mindanao na naging sentro ng usapin hinggil sa peace and order na siya namang tinututukan ng mataas na opisyal ng DILG.
Kung matatandaan agad na tinungo ni Robredo ang lungsod ng Kidapawan isang araw matapos ang jail attack noong Pebrero a-19 matapos na inatake ng mahigit sa 30 mga armadong kalalakihan ang city jail at ang tangkang pagtakas sana sa isa sa mga high risk criminal na si Datukan Samad alias Lastikman na dating Moro rebel kumander.
Ang pinakahuling pagbisita ni Robredo sa probinsiya ay nitong Agosto 13 kungsaan nakipagpulong siya sa ilang mga Local government unit partikular na sa mga lugar na apektado ng kaguluhan sa bahaging ito ng Mindanao.
Binisita ng opisyal ang probinsiya ilang linggo matapos ang pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa ilang mga government installations at military outpost.
Maging si Cotabato Governor Emmylou Lala Talino Mendoza ay laking pasasalamat na makatrabaho ang nasabing public official kagaya ni Secretary Robredo na ang hangarin ay maabot ng tulong ang mga malalayong LGUs.
Sinabi
naman ni 2nd district Representative Nanacy Catamco Political
Affairs Basilio Obello, Jr., na
ang dating kalihim ay bumisita na rin sa mga malalayong brgy ng North Cotabato
para inspeksyunin ang mga government projects, kasama na dito ang ilang mga
farm-to-market roads, water system, electrification at mga school buildings.
Sinabi
naman ni Catamco, na ang bansa ay nawalan ng mabuting ehemplo na lider kungsaan
itinuturing ng kongresista na malapit na kaibigan at kakampi si Robredo.
Isa
sa mga magandang iniwan ni Robredo partikular na sa probinsiya ay ang
paglalagay ng boses ng mga lumad sa bawat session halls. Bukod dito, maging ang
dating opisyal na si Bernardo Pinol ay nagpahayag din ng kanyang pakikiramay sa
pamilya Robredo kungsaan itinuturingng dating opisyal na bayani ang kalihim.
Pangungunahan naman ni Bishop Romulo dela Cruz at ilang mga
pari sa North Cotabato ang pag-aalay ng misa at panalangin para sa kalihim.
Si
Robredo din ang isa sa mga opisyal mula sa malakanyang na nagbigay ng deriktiba
sa lahat ng mga alagad ng batas na tutukan ang pagkamatay ng Italian missionary na si Fausto Tentorio ng Pontifical
Institute of Foreign Mission.
Si Tentorio ay pinatay noong Oktubre a-17 ng nakaraang taon
kungsaan mismong ai DILG Sec Robredo ang bumisita sa bayan ng Arakan matapos na
mabalitaan nito ang pagkamatay ng misyonaryong pari. (Rhoderick Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento