(Kabacan, North Cotabato/ March 19,
2015) ---Nasampulan ng unang sunog sa bayan ng Kabacan ang pagdiriwang ng fire
Prevention Month ngayong buwan.
Ito makaraang masunog ang tatlong mga
kabahayan sa Purok 5, Brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato alas 4:30 kahapon ng
hapon.
Ayon kay BFP Kabacan Fire Senior Insp.
Ebrahim Guiamalon ng Kabacan Fire Marshall na ang mga nasunog na mga
residential houses ay pag-mamay-ari nina: Rosita Denaga 55 anyos, Dennis Denaga
24 anyos at Maricel Denaga 30 anyos.
Wala namang naiulat na nasaktan o
nasugatan sa nasabing insidente.
Naideklara namang fire-out na sa
nasabing lugar dakong alas 5:00 ng hapun.
Mabilis namang nilamon ng apoy ang
tatlong mga kabahayan dahil gawa lamang mga ito sa light materials.
Patuloy namang inaalam ngayon ng BFP
Kabacan kung anu ang pinag-mulan ng sunog.
Malaki ang paniniwala ni Guiamalon na
posibleng fly by night connection o illegal tapping of electrical wiring ang
posibleng sanhi ng sunog.
Abot naman sa P125,000.00 ang naiwang
danyos sa nasabing insidente. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento