Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang kawani ng USM Admin, inireklamo ng estudyante sa hindi magandang trato nito

(Kabacan, North Cotabato/ March 19, 2015) ---Agad na inaksyunan ng tanggapan ng Vice President for Academic Affairs ang reklamo ng isang estudyante ng University of Southern Mindanao hinggil umano sa isang staff ng cashier na hindi maayos ang pagtrato nito sa ilang mga estudyante.

Ayon sa di nagpakilalang estudyante sa panayam ng DXVL News, magbabayad na umano sila sa isang window sa cashier ng Admin para makapag enrol at nagtatanong sa halaga ng kanilang babayarin at sinagot sila ng di maayos ng clerk na nakatalaga doon.

Dagdag pa ng estudyante na kaya lamang sila nagtatanong dahil hindi daw nito makita ang nakalagay sa monitor ng computer pero sa halip na ipaliwanag ng maayos ng cashier staff naging masungit pa ito sa mga pumipilang mga estudyante.

Sinabihan pa nito ang nakasunod sa kanila na “pagdali” na kung tutuusin ay alas 10:00 pa lang yun ng umaga.

Samantala, bagamat tumangging magbigay ng pahayag, agad namang inaksiyonan ni Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig U. Ampang at agad na pinagsabihan ang nasabing nirereklamong cashier.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento