Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Preventive maintenance at switching ng breaker sa linya ng Cotelco, dahilan ng power interruption nitong nakaraang araw

Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 26, 2015) ---Nagpaliwanag si COTELCO spokes person Vincent Baguio hinggil sa matagal na power interruption at power fluctuation noong nakaraang araw.

Sa panayam ng DXVL news ipinaliwanag ni Baguio na nagconduct ng preventive maintenance ang Mount Apo NGCP sub station. Aniya nagkaroon ng switching at kumuha ng kuryente sa Tacurong sub station ng NGCP.

Hindi umano kaya ng breaker ang load ng kuryente ng COTELCO kung kaya’t bumigay ito dahilan kung bakit nagkaroon ng matagal na power fluctuation sa service area ng COTELCO

May pinapalabas rin daw umano na advisory bago magkaroon ng switching. 

Sa normal na protocol ay tatlo hanggang pitong araw ay dapat na naipalabas na ang advisory. 

Nakasanayan na rin daw umano na nagkakaroon ng switching sa Tacurong sub station at dati hindi naman raw nagkakaroon ng aberya maliban noong nakaraang araw.


Dagdag pa ni Baguio na hinihintay pa nila ang opisyal na paliwanag ng NGCP hinggil sa matagal na power interruption at tinitingnan umano nila kung posible pang maulit ang naturang pangyayari. 

Naniniwala rin si Baguio na hindi pinapabayaan ng NGCP ang kanilang linya ng kuryente.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento