Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Iba’t-ibang mga proyekto at programa, inilahad ni Cotabato Gov. Lala sa kanyang SOPA 2015

(Makilala, North Cotabato/ March 18, 2015) ---Ang taong 2014 ay nagdulot ng parehong tagumpay at kasawian sa atin sa lalawigan ng Cotabato.

Ito ang binitiwang pahayag ni Cotabato Governor Emmylou Lala Talino sa pagbubukas ng kanyang mensaha sa isinagawang State of the Province Address kahapon na isinagawa sa Municipal Gym sa bayan ng Makilala.

Iniisa-isa ng gobernadora ang kanyang mga naging programa sa taong 2014 sa harap ng Sangguniang Panlalawigan members, mga ilang opisyal ng lalawigan, iba’t-ibang sektors at sa harap ng bawat Cotabateños.

Agaw eksena din angpagdating ni binibining Pilipinas Universe MJ Lastimosa kungsaan nagbigay din ito ng mensahe ng pasasalamat sa pamunuan ni Gov. Lala dahil sa tulong na ibinigay ng probinsiya sa kanya.

Ang ulat sa bayan ay taunang isinasagawa batay naman sa pagbubukas ng 80th regular na session ng SP.

Iginiit pa nito na nagging mapalad ang kanyang pamunuan dahil sa pagkakaroon ng isang matiwasay na samahan sa pagitan ng mga kapwa opisyal.

Kanya ring binigyang diin ang tulong agrikultura sa mga mamamayan upang lalo pang mapa-angat ang buhay ng mga magsasaka kasama na ditto ang tulong nito sa sakahan ng oil palm, farm to market road at iba pa.

Kinilala rin ng gobernadora ang natatanging cotabatenos na nagkamit ng tagumpay at karangalan sa Cotabato. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento