Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

OWWA, magbibigay tulong sa mga OFW sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ March 20, 2015) ---Hinihikaya’t ngayon ng pamunuan ng Barangay Poblacion Kabacan ang mga balik bayan, partikular na ang mga Overseas Filipino Worker o OFW na dumalo sa gagawing pagpupulong sa Brgy. Hall alas 2:00 mamayang hapon.

Ito ayon kay Poblacion Kagawad Allan Dela Peña, upang maka-organisa, makapaghalal ang grupo ng mga OFW sa Poblacion.


Layon ng nasabing programa na mabigyan ng tulong mga mga nangibang bansa sa pamamagitan ng mga nakalatag na programa ng  Overseas Workers Welfare Association (OWWA).

Sinabi ng opisyal na ang Poblacion lamang ay may mahigit 1 libung mga OFW.

 Layon umano ng programa ay upang iparating ang magandang pagkakataon  na ito para sa mga kagaya niyang Balik Bayan OFW na nakarehistro sa OWWA na meroong programa ang ahensiya para sa kanila kagaya na Livelihood Programs, Scholarship Programs para sa kanilang anak na pwede umanong ma-avail ng mga ito.


Ipapaliwanag din umano ngayong hapon sa gagawing aktibidad kung papaano ang proseso ng pag avail ng programang ito at kung papaanop maipaparating sa mga OFW na nasa ibang bansa na nagtatrabaho sa ngayon. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento