Christine Limos
(Kabacan,
North Cotabato/ March 26, 2015) ---Magbibigay ng scholarship ang Cotabato
Electric Cooperative o COTELCO sa mga anak ng konsumidores na bagong nagtapos
sa sekondarya.
Sa panayam
ng DXVL news inihayag ni Vincent Baguio tagapagsalita ng COTELCO na bukas sa
lahat ng anak ng indigenous na miyembro ng kooperatiba.
Magkakaroon
din umano ng screening at ang huling petsa ng pag file ng aplikasyon ay sa
Abril 8 ng kasalukuyang taon. Ang qualifying exam umano ay sa darating na Abril
14.
Dagdag pa ni
Baguio na ang mechanics umano ng scholarship ay kahit anong four year course sa
mga pampublikong state university tulad ng USM Kabacan, USM Kidapawan at CFCST
sa Arakan.
Ang COTELCO umano mismo ang magbabayad sa paaralan ng pitong libong
piso bawat semester. Kung may matitira umano sa pera ay ibibigay sa estudyante
na iskolar.
Ang pagbibigay umano ng scholarship ay isa sa promotional activity
na ginagawa ng kooperatiba.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento