Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Comelec Common Poster Area for the National and Local Elections of 2013 sa bayan ng Kabacan; inilbas ng Comelec



(Kabacan, North Cotabato/ February 28, 2013) ---Pitum pu’t apat na araw bago ang nalalapit na halalan habang 31 araw bago ang pagsisimula ng kampanya para sa mga pulitikong tatakbo para sa local na posisyon.

Nagpalabas ngayon ang Comelec Kabacan ng mga lists of location of COMELEC Common Posting areas.


Ayon kay Acting Election Officer Gideon Falcis ang mga kandidato ay dapat maglagay ng sariling stand para sa kanilang mga posters.

Dagdag pa nito, bawal maglagay ng campaign materials sa mga punong kahoy, sa poste ng COTELCO, sa mga bakod, sa pader ng eskwelahan at sa ibang pampublikong lugar maliban sa COMELEC common poster areas.

Aniya, pwede maglagay sa mga pribadong lugar kung may pahintulot ang may ari nito.

Sa Poblacion, ang comelec common poster area ay sa National Highway sa harap ng Kabacan Pilot School at sa mga brgy Plaza at sa mga harap ng eskwelahan sa bawat barangay. Cheremel Paguital DXVL News.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento