(Matalam, North Cotabato/ February 25, 2013)
---Nilooban ng mga di pa nakikilalang suspek ang isang tindahan sa National
highway partikular sa harap ng Sto. Nino De Praga Church Pob. Matalam, Cotabato
sa pagitan ng ala 1:00 hanggang alas 2:00 ng medaling araw kamakalawa.
Kinilala ng Matalam PNP, ang may-ari na si
Robert Sison Tabara, 54 yrs. Old at residente ng naturang bayan.
Ayon sa report, tinangay ng mga di pa
nakikilalang suspek ang mga assorted groceries na nagkakahalaga ng humigit
kumulang na apat na libo.
Dagdag pa nito pumasok ang suspek sa
pamamagitan ng pagsira sa itaas na bahagi ng tindahan upang buksan ang main
door.
Sa ngayon inaalam pa ng Matalam PNP ang
pagkakakilanlan ng naturang suspek. (CHEREMEL PAGUITAL, DXVL News)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento