(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 22,
2013) ---Idinaos kaninang umaga 37th USMARC at 27th PICRI
joint anniversary sa USMarc Admin Building, USM Kabacan, Cotabato.
Ang naturang anibersaryo ay may temang
“Advancing Research and Development in Agricultural and Industrial Crops
Towards Food Security and Economic Sustainability.
Si Agham Partylist Representative Angelo B.
Palmones, ang naging guest of honor and speaker sa naturang selebrasyon.
Aniya,“pananaliksik ang kailangan para maresolba
ang problema”. Tinalakay din sa naturang selebrasyon ang paglalaan ng pundong
pinansyal para sa pagsasa ayos ng mga laboratoryo sa University Research Center
Building ng USM. (Joy Desendario, DXVL)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento