(USM,
Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2013) ---Itinuturing umanong tagumpay ng
makasaysayang pagkilos ng mga estudyante, guro, magulang at mga kawani ng
pamantasan ang pagbibigay ng CHED ng “special assignment” kay USM President Dr.
Jesus Antonio Derije at paglalagay ng OIC para sa University of Southern
Mindanao.
Ayon kay
North Cotabato Kabataan Spokesperson Darwin Rey Morante, ito ay bunga ng
kanilang pagpupursige at buong loob na paglaban sa pagsasamantala at
pang-aabuso ng presidente at ng sistemang kinauupuan niya.
Sinabi ni
Morante na sa unang araw ng pag-upo ni OIC Dr. Teresita Cambel ay hinahamon
ngayon ng progresibong kabataang estudyante si Dr. Cambel na makiisa sa
kanilang lehitimong pakikibaka laban sa sistematikong pagtapyas ng pondo sa
edukasyon, pagpapataas ng matrikula, nagsusulputang dagdag na bayarin at
kakulangan ng klasrom at pasilidad.
Batay sa
report, kahapon ng umaga dumating ang OIC sa Pamantasan at nag courtesy call sa
iba’t-ibang mga tanggapan.
Kaugnay
nito, tuloy ang pakikipaglaban ng progresibong kabataan at estudyante para sa
karapatang maka-masa, pambansa at siyentipikong edukasyon sa pamantasan at
maging sa buong sistemang panlipunan, ayon pa kay Morante. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento