(Kabacan, North Cotabato/ February
18, 2013) ---Matapos ang ilang buwang pananahimik ikinanta ng isang Brodz
Panigas Mukamad nasa tamang edad, may asawa at residente ng Pikit, Cotabato ang
nalalaman nito hinggil sa pagtumba kay Vice Mayor Policronio Dulay.
Batay sa sworn statement nito, na
may petsang February 11, 2013, ibinunyag ni Mukamad sa opisina ng Brgy. Kapitan
ng Lower Paatan na si Punong Brgy. Tony Maganaka, kasama sina Datu Masla
Mantawil, Hon. Allan Mantawil, PCI Jubernadine Panes at P03 Richard Lagutang.
Aniya, tinawagan umano siya noong
January 8 ni Jabib Guiabar.
Ayon sa kanilang napag-usapan, batay
sa nilagdaang Judicial Affidavit nito, na siya umano ang maghanap ng titira kay
Vice Dulay.
January 9, 2013, nagbigay ng five
thousand pesos si Jabib at tinanggap naman umani ni Mukamad ang cash na limang
tag iisang libong piso para sa expenses.
Sa room number 2 sa Eight Avenue
umano sila nagkita ni Guiabar, kasama nila sa Room number 2 sina: Guzman,
Sultan at Tabara.
Sa paunang panayam sa dating
konsehal ng bayan, itinanggi nito ang nasabing akusasyon.
Aniya politically motivated umano
ang alegasyon hinggil sa kanya, gawa lamang ito ng kanyang kalaban sa pulitika
dahil sa nalalapit ang eleksiyon para sirain ang kanyang pangalan sa publiko.
Kung matatandaan, si Dulay ay
binaril noong January 11, alas 3:00 ng hapon sa USM Avenue.
Kahapon, ipinagdiriwang ng kanyang
kamag-anak at mga kapamilya ang ika-71 taong kaarawan ng opisyal.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento