(USM,
Kabacan, North Cotabato/ February 21, 2013) ---Umaasa ngayon ang ilang mga
mag-aaral ng University of Southern Mindanao na matuldukan na ang gusot sa
Pamantasan.
Ito
makaraang magbaba ng memo ang Commission on Higher Education hinggil sa
pagtatalaga bilang Officer In charge ng USM si Dr. Teresita Cambel sa
Unibersidad epektibo nitong pang a-16 ng Pebrero.
Kung
matatandaan, halos isang buwan ding paralisado ang daloy ng transaksyon sa
Pamantasan ng Katimugang Mindanao dahil sa isinusulong na pakikibaka ng mga
raliyista kontra katiwalian di umano ng adminisayong Derije.
Ngayon
ay mapapansing humupa na ang tension sa pagitan ng dalawang partido, makaarang
sumang-ayon ang ilang lider ngmga raliyesta sa hakbang ng CHED na magtalaga ng
OIC sa USM.
Bagama’t
at binuksan na ang mga lagusan, di naman muna umano aalis sa erya ang mga
raliyesta hanggat walang pang ibinabang hatol ang Ombudsman Mindanao sa kasong
kinakaharap ng Pangulo.
Kaugnay
nito ay nagbigay komento ang iilan sa mga estudyante ng pamantasan hinggil sa
humupang tension at pagtalaga ni Dr. Teresita Cambel bilang OIC.
Ang
naturang CHED order ay epektibo simula pa noong ika-labing-anim ng Pebrero
taong kasalukuyan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento