Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pink Flamingo ng Kabacan; iniuwi ang kampeonato sa Gay Pride Fest 2013 ng district III


(M’lang, North Cotabato/ February 19, 2013) ---Nakuha ng Pink Flamingo ng Kabacan North Cotabato ang kampeonato sa katatapos na North Cotabato Gay Pride Festival 2013 na ginanap sa M’lang Central Elementary School, M’lang North Cotabato, kamakalawa.

Kampeon din ang contingent ng Kabacan sa Street dancing at custome designing.

Maliban dito, 1st runner up naman ang pambato ng Kabacan para sa hair and make-up contest.

Kabacan din ang itinanghal na biggest delegation and most jolly sa nasabing event.

Nanalo din ang kabacan sa ilan sa mga parlor games sa naturang event.

Samantalang ang main event ng naturang patimpalak ay ang miss gay competition na kung saan hinirang na miss gay north cotabato district III si Allen Camat, sumunod naman bilang 1st runner-up si Sadat Umpong at ang 2nd runner-up naman ay nasungkit ng dating hiyas ng pasiklaban 2012 na si Christian Corpuz na pare-parehong nagrepresenta at nagmula sa kabacan.

Mula sa bayan ng M’lang, Tulunan, Carmen, Matalam at Banisilan ang mga sumali sa nasabing patimpalak.

Ang event ay naglalayong kilalanin ang mga angking galing at talento ng mga 3rd sex, homosexual o mga bakla dito sa North Cotabato.

Suportado naman ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza ang naturang aktibidad. (Angelo Traya DXVL News)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento