(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 22,
2013) ---Tinalakay sa naganap na pagtitipon kaninang alas-dyes ng umaga sa harap
ng USM Administration Building ang mga hinaing at reklamo ng mga raliyesta
hinggil sa Pamunuan ni Pangulong Jesus Antonio G. Derije ng Pamantasan ng
Katimugang Mindanao.
Ang naturang programa ay dinaluhan ng mga
grupo ng mga magulang, faculty & staff at mga estudyante ng naturang
unibersidad, at mga estudyante mula sa iba’t-ibang panig ng Mindanao gaya na
lang ng Mindanao Islamic Polytechnic College (MIPC) mula sa Batulawan Pikit,
Cotabato.
Tinalakay sa naturang programa ang mga
hinaing at reklamo ng mga raliyesta hinggil sa umano’y di makatarungang
pamumuno ni Dr. Derije.
Naging highlight sa nasabing programa ang
pagbibigay ng mensahe ni bagong talang OIC. President Teresita Cambel na
tinapos ng isang pangwakas na mensahe ni Michael Haron.
Sa pangkalahatan, naidaos ng maayos at
mapayapa ang naturang programa. (Cheremel Paguital)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento