Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM gates binuksan na; operasyon ng Pamantasan balik na sa normal ngayong araw



(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 18, 2013) ---Tuluyan ng binuksan ang USM Main gate dakong alas 11:00 ng umaga kahapon, bilang hudyat ng pagbabalik sa normal ang operasyon ng Pamantasan.

Ito matapos ang halos isang buwang kilos protesta at pagsasara ng mga raliyesta sa lahat ng mga lagusan ng Unibersidad para pababain sa pwesto si re-appointed USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije.


Dahilan kung bakit nagbaba noong February 15 ang Commission on Higher Education ng CHED Memo na nag-aatas kay Dr. Teresita Cambel, na maging Officer in Charge ng USM epektibo noong Sabado February 16.

Ang memo ay dinala ni Local Monitoring Chair Jabib Guiabar, bilang facilitator ng nangyaring gusot sa USM sa mga lider ng raliyesta, matapos na ibinigay ito sa kanya ni USM Executive Security and Concerns Orlando “Totong” Forro.

Sinabi naman ni Dr. Alimen Sencil, isa sa tumatayong lider ng mga raliyesta na, matapos na matanggap ang memo agad nilang pinag-aralan ang nilalaman ng CHED order at sa bandang huli ay nagkasundo ang grupo na pabuksan ang gate ng USM para makabalik na sa pag-aaral ang mga mag-aaral ngayong araw at makabalik trabaho na rin ang mga empleyado nito.

Samantala sa tulong mga mga pulisya, military at maging ng mga raliyesta kanilang nilinis ang lugar kungsaan isinagawa ang kilos protesta, partikular sa harap ng USM Main gate at isinailalim sa sanitation ang erya.

Pagbukas ng USM Main gate, agad nanumbalik ang sigla partikular na ang kalakaran sa USM Avenue.

Abot kasi sa P4-5M ang gumagalaw na bulto ng pera sa Kabacan araw-araw na nagpapasigla sa ekonomiya ng Kabacan, ito dahil sa USM, ang level 4 state University at leading higher institution sa bahaging ito ng Mindanao. (Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento