Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 magkahiwalay na nakaw motorsiklo naganap sa bayan ng Kabacan at Carmen ; may-ari ng motorsiklo, tinutukan ng baril

(February 18, 2013) ---Ninakaw ng di pa nakilalang mga salarin ang isang motorsiklo na nakaparada sa isang sabungan na nasa Brgy. Osias Kabacan, Cotabato alas 2:00 kahapon ng hapon.


Ayon sa report ng Kabacan PNP ang nasabing ninakaw na motorsiklo ay isang kulay asul na Honda XRM- 125 na my plate no. MK9064.

Ang nasabing motorsiklo ay pagmamay-ari ni Nerie V. Peroy, 46 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Dalipe Mlang, Cotabato.

Sa bayan ng Carmen ---Tinangay din ng mga di pa nakilalang mga salarin ang isang motorsiklo sa Sitio Tabak, Brgy. Tacupan, Carmen, North Cotabato alas 8:00 ng gabi nitong Biyernes.

Kinilala ng Carmen PNP ang may ari na si Michael Jade Gonzales, 21, binata at residente ng Tonganon ng nasabing bayan.

Batay sa inisyal na report, hinarangan umano ang biktima ng dalawang armadong lalaki dahilan kung bakit huminto si Gonzales.

Bigla umano’ng tinutukan ang biktima ng baril at agad na kinuha ang sinasakyan nitong Honda XRM 125 na may plate number 6532 LT.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa di malamang direksiyon habang subject for manhunt ang mga ito ng Carmen PNP.

Kapwa iniimbestigahan ngayon ng mga otoridad ang nasabing kaso ng nakawan kung sinung mga sindikato ang nasa likod nito.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento