Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

LOVENOTES VALENTINES SPECIAL YEAR 5 WINNER’S, MALALAMAN NA NGAYONG ARAW


(Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2013) ---Malalaman na ngayong araw kung sino ang tatanghaling best letter ng Love Notes with oliver twist Valentines special year 5 ng DXVL FM Radyo ng Bayan, kung saan ito’y inaabangan na di lamang ng mga may entry sa naturang programa kundi pati na rin ng lahat ng taga-subaybay at tagapakining KOOL FM sa bahaging ito ng Mindanao.


Kung matatandaan ang Love Notes with Oliver twist ay nagsimulang sumahimpapawid sa himpilang DXVL FM taong 2008 sa kasagsagan ng Buwan ng mga puso at dahil sa naging positibong tugon ng mga tagapakinig sa naturang programa ay ginawa na itong regular program na umiere tuwing sabado ng hapon. Di naglaon dahil na rin sa demand ng nakakaraming tagapakinig ang pag-ere ng naturang programa ay inilipat sa araw ng biyernes ala-una hangganh alas-tres ng hapon.

Sa ngayon, ang love notes with oliver twist ay nasa ikalimang taon nang naghahatid at nagsasahimpapawid ng mga kwento ng buhay pag-ibig ng iba’t-ibang indibidwal mula sa iba’t-ibang mukha ng ating lipunan. Patuloy na nagbibigay at naghahandog ng mga kwentong salaamin ng totoong buhay.

Sa ngayon  inaantay na lang na matapos ang pag-bibilang ng mga boto para sa lahat ng mga entry letters na umaabot sa bilang na 29. Ang criteria ng love notes with oliver twist year 5 ay 60% sa content o nilalaman ng sulat at 40% naman mula sa mga madlang kakoolitan o txters choice.

Ang tatlong best letters ay pagkakalooban ng premyo mula sa iba’t ibang sponsors ng programa na makapagbibigay ngiti at saya sa kanilang pagdiriwang ng Valentines day.

Manatili lamang naka tutuk sa DXVL fm sa Pormal na pag-aanunsiyo ng mga nanalo ano mang oras ngayong umaga. (Anthony Henilo)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento