(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 13,
2013) ---Apat na mga raliyesta ang sugatan sa nangyaring kaguluhan sa loob ng
University of Southern Mindanao alas 3:10 kaninang madaling araw.
Agad isinugod ang dalawang mga sugatan sa
USM Hospital ngayong umaga.
Kinilala ang mga raliyestang nasugatan na
sina Gary Tado Magonto, 31 taong gulang na nasugatan sa ulo habang kinilala
naman ang isa pa na si Patrick Mamansin Mohammed, 37 kapwa residente ng Brgy.
Aringay, Kabacan, Cotabato.
Ayon sa isa sa mga tumatayong lider ng
raliyesta na si Alrashid Sencil,
natutulog umano sila sa harap ng administration building ng sinugod
umano sila ng pwersa ng kapulisan at mga militar.
Ayon sa report, nanlaban umano ang mga
raliyesta dahilan kung bakit nagkasakitan ng magkaroon umano sana ng force
dispersal.
Pinagpapalo umano ng mga pulis ang ilang mga
raliyesta, ito ayon kay Alrashid.
Habang may nasugatan naman umano sa panig
ngmga pulis makaraang pinagbabato naman sila ng mga raliyesta, ito ayon kay
Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP.
Kinumpirma naman ni Provincial Police Director
S/Supt. Danilo Peralta, na walang force dispersal na nagyari kanina kundi ang
nais lamang nila ay pabuksan ang gate para maibalik ang klase ng USM ngayong
araw pero bigo sila dahil nanlaban angmga raliyesta.
Resulta ito ng pagkakasugat ng pitong mga
pulis, isa ditto malubha ang kalagayan matapos na matamaan sa ulo na di pa
kinilala sa report.
Agad namang dinala sa Kabacan Medical
Specialist ang mag sugatan pulis, ayon kay Peralta.
Dahil sa nangyaring tensiyon, nag-atras ang
mga pulis at mga sundalo para di na magkaroon ng matinding sakitan.
Nasira pa umano ang maliit na gate sa harap
ng administration building dahil sa nangyaring kaguluhan matapos na dumating
angmga tangke de giyera ng mga sundalo.
Sa ngayon hindi pa mabatid kung maibalik ang
normal na klase sa USM ngayong araw, sa ngayon muli namang isinara ng mga
raliyesta angmga gates ng USM. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento