(Kabacan,
North Cotabato/ February 13, 2013) ---Nilinaw ngayon ng Kabacan PNP na walang
katotohanan ang mga balitang kumakalat na may namatay umanong pulis sa
nangyaring tensiyon kaninang alas 3:00 ng madaling araw sa loob ng University
of Southern Mindanao.
Ito
ang sinabi sa DXVL News ngayong hapon ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP
matapos na pinabulanan nito ang mga kumakalat na report.
Aniya
sa katunayan umano ay nakalabas na ngayong hapon ang 7 mga pulis na nasugatan
sa kaguluhan kaninang madaling araw.
Abot
sa 13 mga pulis personnel ang nasugatan pero 7 dito ang isinugod sa Kabacan
Medical Specialist Center.
Isa
sa mga riot pulis ay malubha matapos tamaan ng lagaraw.
Kinilala
angmga sugatang pulis na sina:
Ronald Abayasa; Bryan Valdez; Danilo Saburnito; Gerald Taniala; at Elmer Dizon
lahat ay mga nasa ranggong Police Officer 1; at Richard Balyesta at John
Concepcion kapwa Police Officer 2
Samantala…apat
namang mga raliyesta ang sugatan.
Agad isinugod ang dalawang mga sugatang
raliyesta sa USM Hospital kaninang umaga.
Kinilala ang mga raliyestang nasugatan na
sina Gary Tado Magonto, 31 taong gulang na nasugatan sa ulo habang kinilala
naman ang isa pa na si Patrick Mamansin Mohammed, 37 kapwa residente ng Brgy.
Aringay, Kabacan, Cotabato.
Ayon sa isa sa mga tumatayong lider ng raliyesta
na si Alrashid Sencil, natutulog umano sila sa harap ng administration building
ng sinugod umano sila ng pwersa ng kapulisan at mga militar.
Ayon sa report, nanlaban umano ang mga
raliyesta dahilan kung bakit nagkasakitan ng magkaroon umano sana ng force
dispersal.
Pinagpapalo umano ng mga pulis ang ilang mga
raliyesta at tinusok angmga gulong ng mga tricycle, ito ayon kay Alrashid,
batay din sa blotter na inireport ngmga raliyesta sa pulisya.
Dahil sa nangyaring tensiyon, nag-atras ang
mga pulis at mga sundalo para di na magkaroon ng matinding sakitan.
Nasira pa umano ang maliit na gate na nasa
USM Main gate matapos umanong nasira dahil sa kaguluhan.
Nasira din umano ang mga rehas ng USM Main
gate.
Samantala, sinabi naman ni S/Supt. Danilo
Peralta ang Provincial Director ng North Cotabato na walang nangyaring force dispersal,
bagkus ay ipinapatupad lamang nila ang maximum tolerance.
Ito
matapos ang nangyaring gulo kaninang madaling araw sa loob ng pamantasan.
Ayon
kay Peralta, hindi sila gumagawa ng aksyon ng walang pag-uutos galing sa
kina-uukulan.
Dagdag
pa nito ang naging request lamang daw sa kanya ni pres. Jesus Antonio Derije ay
magpatulong na pabuksan ang gate ng USM nang sa gayun ay makapasok na ang mga
estudyante at faculty.
Kaya
naman raw kaninang alas tres ng madaling araw, napadala ang ang Probinsya ng mga
pulis sa kabacan PNP, para mapabukas na ang gate ng USM at nang buksan na umano
ito ng mga pulis ay bigla na lamang silang inatake ng mga raliyesta na nagdulot
ng kasugatan sa kanila.
Sa
ngayon di pa mabatid kung kalian maibalik sa normal ang klase ng USM.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento