(Kabacan, North Cotabato/ February 12, 2013)
---Nagsisimula ng mabili ngayon ang mga bulaklak ditto sa bayan ng Kabacan na
kadalasang ibinibigay ng mga taong nagmamahal sa kanilang minamahal lalo pat
paparating na ang pinakamapusong araw sa buong mundo ang Valentines Day.
Dito sa bayan, partikular na sa mga
ibat-ibang flowershops, rosas ang pinakamabiling bulaklak dahil diumano sa
kakaibang romantikong hated nito ayon sa isang mamimili.
Ang isang piraso ng rosas ngayon ay
nagkakahalaga ng 25 pesos pag short stem at 30-35 pesos pag long stem. Pareho
lamang ang presyo sa lahat lahat ng kulay ng rosas. At ang isang bouquet naman
nito na may isang dosenang rosas ay
nagkakahalaga ng 250-350 pesos depende sa arte o gara ng pagkaka-arrange at
pagkakabalot ng bulaklak.
Sa gusto naman ng magbigay ng teddy bear, sa
Flowers express flowershop sa Bonifacio street ay mabibili ito sa halagang 350
pesos. At kung gusto niyo ng combination ng teddy bear, heart balloons at card
ay meron din sa kanila na nagkakahalaga
ng 150 pesos.
Sa Lina’s Flowershop-Bonifacio st., bawat
rosas ay may card na nakakabit dahil ayon sa may-ari, mas special diumano ang dating nito sa pagbibigyan pag meron
nito. Mabibili naman ito sa halagang 25-35 pesos, depende sa laki.
Sa Arlene’s Flowershop-Aglipay st.
murang-mura naman ang Malaysian mumps na mabibili lamang sa halagang 15-25
pesos kada piraso. At ang heart pillow with card ay mabibili naman sa halagang
35 pesos.
Wala pa namang nangyayaring pagtaas-presyo
ng mga bulaklak ngayong darating na okasyon ng Valentines Day. Kaya’t hiling ng
mga Flowershop owners, mga tinderot tinder ng mga bulaklak ay wag ng magpatumpik-tumpik
pa, karakarakara bumili na ng bulaklak para sa inyong mga minamahal. Chriss
Corpuz, DXVL NEWS!
0 comments:
Mag-post ng isang Komento