Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Libung halaga ng pera, natangay sa isang Rice Mill office sa bayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2013) ---Tinangay ng mga di-pa nakikilalang suspek ang isang CCTV monitor at pera ng isang carleus rice mill office sa brgy upper paatan sa bayan ng kabacan north cotabato nito lamang alas 7 ng umaga pebrero 20 taong kasalukuyan.

Ito ay matapos maireport sa PNP kabacan ni Eddie Osateo YaBANILLA, 42 antos, may asawa, cate taker ng naturang establishemento at residente ng brgy Katidtuan Kabacan, Cotabato.


Aniya, natangay raw ng di pa nakikilalang suspek ang isang set ng cct monitor at pera na nag kakahalaga ng 17,000 mula sa opisina.

Ayon pa kay osateo pimasok di umano ang mga suspek sa nakabukas na pintuan ng opisina at tinangay ang naturang mga gamit.

Sa ngayon inaalam pa ng PNP kabakan kung sino ang suspetsyado sa nangyaring insidente. (Cheremel Paguital, DXVL News)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento