(Pres. Roxas, North Cotabato/ February 22,
2013) ---Pinasalamatan ng mga benipesyaryo ng Hervilla Communal Irrigation
Project ang bagong pinasinayang proyekto sa Poblacion, President Roxas Cotabato
kamakalawa ng umaga.
Ang turn over ceremony ng nasabing irigasyon
ay pinangunahan ni 2nd
District Cogresswomen Nancy Catamco kung saan nagmula sa kanyang Priority
Development Assistance Fund (PDAF) na abot sa higit P5Milyon ang pondong
ginamit para rito.
Ayon sa kongresista nahagi ito ng mga
proyektong kaloob nito para sa mga mamamayan sa ikalawang distrito ng North
Cotabato.
Ayon sa kongressita, dadaan sa National Line
Agencies ang mga proyektong ipinapatupad sa kanyang distrito.
Dahil sa bagong pasilidad ng patubig, direktang
makikinabnag rito ang nasa isang daan at apat-naput-tatlong ektarya ng sakahan.
Dumalo rin sina Pres. Roxas Mayor Jaime
Mahimpit at Board Member Cris Cadungon kasama ang ilang mga lokal na opisyal ng
bayan ang pagpapasinaya sa proyekto na isinabay sa annual general assembly.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento