(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 20,
2013) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kasama ng
USM Security Services and Management sa nangyaring pagransacked sa ilang mga
canteens at mga gusali ng Pamantasan.
Ayon kay USM Executive Secretary for Civil
Security Services Prof. Orlando “Totong” Forro unang pinasok ng mga di pa
malamang salarin noong nakaraang linggo ang College of Agriculture o CA
Canteen.
Sinira umano ng mga suspek ang bubong ng
nasabing canteen upang gawing entrance at nilimas ang cash na P690.00, 40 kilo
ng bigas, assorted biscuits, candies at junk foods, isang malaking Caldero, 2
kawa, 2 caserola, 3 kitchen knife, 1 blender at 2 cases ng Pepsi Product..
Sinira din ng mga suspek ang nylon na
nagsisilbing bakod sa Pawakan Native Chicken Project na nasa likod ng USM Administration
building, bagama’t wala namang may nawala sa nasabing mga hayop.
Maliban dito, niransak din noong linggo ang
ULS Canteen at tinangay ang mga gamit na tinatayang nagkakahalaga ng
P15,000.00.
Lunes ng madaling araw, inireport din ang
kahalintulad na pangyayari sa USM Multi-media Production center at nalimas din
ng mga salarin ang isang unit ng DVD writer, External Memory na may 16gig at
cash na humugit kumulang P20,000.00.
Di rin pinalagpas ng mga salarin ang Office
of the Pres kungsaan pinasok din ang nasabing opisina at tinangay ang isang
wall clock, 2 unit ng Cannon Camera at ilang mga assorted office supplies.
Naganap
umano ang magkahiwalay na pagransacked nu’ng walang mga empleyado at mga
instructors na pumasok sa kanilang duty
dahil sa kasagsagan ng kilos protesta ng mga raliyesta sa loob ng USM Main
Campus, ito ayon kay OIC Director for Security Services and Management Tomas
Moneva. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento