(Pikit, North Cotabato/ March 4, 2013) ---Umakyat
na sa Pito ang namatay habang 17 naman ang sugatan sa pinakamadugong road
accident sa North Cotabato simula taong 2012.
Apat sa mga binawian ng buhay ay mga
estudyante ng College of Nursing ng Saint Benedict College na nakabase sa
Parang, Maguindanao kungsaan papunta ang mga ito sa Cruzado Hospital sa bayan
ng Pikit para sa kanilang internship.
Kinilala ni Chief Inspector Jordine
Maribojo, hepe ng Pikit PNP ang mga namatay na sina: Mohamed Samil Ali, van driver; Solayman
Macaindeg; Musa Bacuna; at mga nursing students na sina Sittie Haymiyah
Ibrahim, Umayrah Abutazil, Potri Sauya Mansa at Judy Uy.
Lahat ng mga pasaherong namatay ay
lulan ng Toyota Hi-ace Van na tinatahak ang rutang galing cotabato papuntang
Pikit.
Abot naman sa 17 ang mga sugatang
pasahero.
Batay sa report, mabilis umano ang
takbo ng van ng tinatahak nito ang kurbadang daan sa boundary ng Aleosan at
Pikit pasado alas 12 ng tanghali nitong Biyernes.
Posibleng di namalayan ng driver ng
Van na may paparating na lawin.
Dahil sa bilis ng takbo nagkabanggaan
una ang van at lawin at sinundan pa ng military truck.
Ang lawin at ang sasakyan ng mga
sundalo ay papuntang rutang Cotabato ng mangyari ang insedente.
Sinabi ni Maribojo na malakas ang
nangyaring banggaan na nagresulta ng pagkakahati at pagkadurog ng Van.
Apat ang dead on the spot habang
namatay naman ang tatlo habang ginagamot sa ospital.
Kabilang sa mga sugatan sa
nangyaring insedente ay kinilalang sina: Tintin Castillon, 30; Randy Corpuz,
33; Marvin Latoza, 20; Elmer Madsay; Niafa Esmael; Norhana Minang; Marima
Landasan, 26; Chanads Manampan, 16; Sadam Lumanda, 21; Demalungan Ebrahim, 20;
Minang Norhaina, 18; Madjan Esmael; Ceferino Villanueva; Norah Piang Paidumama;
Nairali Datakkah Tungkay; Batawan Wanita, 48; Nagnal Naphy, 28; Atang Lolita; Alma Rose Maciado, 25;
and Michael Barrientos. (Rhoderick Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento