Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Delagado ng Cotabato Province; nakasungkit ng apat na gintong medalya sa nagpapatuloy na CRAA Meet


(Kidapawan City/ March 4, 2013 ) ---Bagama’t nangungulelat sa ilang mga koponan ang delagado ng host province, naiuwi naman ng ilang mga manlalaro ang apat na gintong medalya sa nagpapatuloy na Cotabato Regional Althletic Association o CRAA meet.

Ayon sa nakuhang resulta, sa elementary boys category, kampeyon ang Cotabato Province sa larong badminton, sa gymnastic at larong chess, kampeyon ang General Santos City, sa Volleyball kampeyon naman ang Sultan Kudarat.

Sa Elementary girls category, kampeyon ang Kidapawan City sa larong badminton, at sa womens artistic gymnastics at rhythmic gymnastic parehong nasungkit ng General Santos City ang pagiging kampeyon.

Samantala, sa Secondary Boys Category, naging kampeyon ang Koronadal City sa larong Badminton, sa mens artistic gymnastic kampeyon ang General Santos City at South Cotabato naman ang naging Kampeyon sa larong Volleyball.

Sa Secondary girls category, hinirang Kampeyon ang Koronadal City sa larong badminton.
Ngayong araw, inaasahan ang championship games at ang deklarasyon ng ng mga winners at ang closing program ng CRAA meet 2013.

Ang mga manlalarong nakakuha ng kampeonato at sa toplist ay magiging kinatawan ng rehiyon sa darating na Palarong pambansa. (Janice Fernandez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento